Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 drug suspek todas sa Quezon

2 drug suspek todas sa Quezon

CALAUAG, Quezon – Dalawang drug suspek ang napatay ng pulis noong Linggo sa Barangay Doña Aurora. Ang mga namatay ay kinilalang sina Ar-jay Cabrera, 29, at Rodante Alday, 39.

Si Cabrera ay tinaguriang High Valued Target (HVT), ayon kay Quezon PPO director Sr. Supt. Antonio Yarra. Ang mga drug suspek ay napatay matapos manlaban matapos ang buy-bust operation na ginawa sa kanilang bahay.

Narekober sa kanila ang isang caliber .32 revolver at isang .38 revolver bukod sa tuyong marijuana at dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu. (Danny Estacio)

comments