Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 4 na kawani bagsak sa drug test

4 na kawani bagsak sa drug test

CAYAGAN DE ORO CITY – Apat na kawani ng pamahalaan ng Bukidnon ang nag-positibo sa droga noong isang linggo matapos ang isang sorpresang drug testing.

Tumawag ng meeting si Gov. Jose Maria Zubiri Jr. at walang atubiling sinabihan ang lahat ng kawani na magpa-test.

Ayon kay Zubiri, mahigit na isang libo pa ang hindi sumasailalim sa drug testing na pinamumunuan ng Philippine National Police’s provincial crime laboratory. Hindi pinangalanan ni Zubiri ang apat na kawani na bumagsak sa test.

Ayon kay Zubiri, ang drug-testing ay kanyang sinimulan dalawang taon na ang nakakaraan. (Camcer Ordonez Imam)

comments