Home » News » News Roundup » Babae’t lalaki natagpuang patay

Babae’t lalaki natagpuang patay

Isang lalaki at isang babae ang natagpuang patay, nakatali ang mga kamay ng packaging tape at nakabalot ang ulo ng plastic bag sa Pearl Drive Boulevard, Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay SPO1 Dennis Desalisa at PO2 Noel Burden ng Pasay City Police, nakilala ng isang bystander ang mga biktima na sina Pao Sumagayan at Diane Navarro.

Sinabi ni Burden na inaalam pa nila kung ano ang koneksiyon ng dalawang biktima. Base sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ng isang kolektor ng basura ang mga bangkay ng dalawa bandang 3:20 a.m. sa Pearl Drive Blvd., Mall of Asia Complex, Macapagal.

Agad na inireport ng guwardiyang si Ricky Elgario sa pulis ang natapuang mga bangkay. Lumabas sa pagsisiyasat na kapwa pinagsasaksak sa leeg at gitnang bahagi ng katawan ang dalawang biktima bago sila itinapon sa madamong bahagi ng highway.

“Inaalam pa natin ang motibo sa ngayon kung konektado ba ito sa iligal na droga. Pero wala kaming nakuhang droga sa kanila, sabi ni Burden.

Dinala ang mga bangkay nina Sumagayan at Navarro sa Rizal Funeral Homes. Samantala, hinihinatay pa ng police na lumitaw ang mga pamilya ng dalawang biktima. Patuloy pa ring sinisiyasat ng pulisya ang insidente.
(Martin A. Sadongdong)

comments