Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Baguhang pulis tiklo

Baguhang pulis tiklo

BATANGAS CITY – Isang baguhang pulis ang nahuling nagbebenta ng bawal na droga sa kapwa pulis na nagpakilalang buyer noong Lunes sa P. Burgos Street sa Barangay 5.

Ang pulis ay nakilalang si PO1 Randy Mindanao, 34, na nakatira sa Padre Garcia at naka-assign sa Batangas City police.

Nakumpiska sa kanya ang kanyang baril at police ID. (Danny Estacio)

comments