Home » News » News Roundup » Drug suspect binaril sa loob ng bahay

Drug suspect binaril sa loob ng bahay

Patay ang isang hinihinalang operator ng drug den nang pagbabarilin ng apat na kalalakihan sa Pasig City noong Linggo ng gabi.

Ayon sa police, nanonood ng TV ang biktimang si Allan “Casper/Kasmot” Salazar sa loob ng kanyang bahay sa Caruncho Compound, Barangay Palatiw, nang biglang pumasok ang mga salarin at paputukan siya ng baril.

Sinabi ng mga kamag-anak ng biktima na nagawa pang tumakbo ni Salazar ng ilang metro mula sa kaniyang tahanan ngunit natumba rin siya sa daan.

Tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo matapos ang pamamaril. Isinugod si Salazar sa Pasig City General Hospital ngunit patay na siya nang idating doon.

Na-recover sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala at depormadong tingga. Kinumpirman ng police na kasama ang pangalan ni Salazar sa drug watchlist ng Barangay Pinagbuhatan.

Napag-alaman din na ginamit ng biktima ang kanyang tahanan bilang drug den. Patuloy pa ring sinisiyasat ng Pasig police ang insidente. (Jenny F. Manongdo)

comments