Home » News » News Roundup » Homeless man pinatay habang tulog

Homeless man pinatay habang tulog

Isang lalaking walang tirahan ang binaril at napatay ng apat na lalaking nakamotorsiklo habang siya’y natutulog sa kalye sa Caloocan City bandang 3 a.m. kahapon.

Base sa police report, nahihimbing ang biktimang si Erwin Bernal, 45, sa isang sofa sa kalye ng Barangay Bagong Barrio, Caloocan, nang bilang dumating ang apat na salarin sakay ng dalawang motorsiklo na walang plaka.

Dalawa sa kanila ang bumaba sa motor at pinagbabaril is Bernal hanggang sa mamatay. Mabilis na tumakas ang mga suspek na nakasuot ng bonnets.

Na-recover sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng .45-caliber pistol. Napag-alaman na sumuko ang biktima kasama ang iba pang sangkot sa droga nang magsagawa ang pulisya ng Oplan TokHang sa kanilang barangay noong Hulyo. (Jel Santos)

comments