Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jodi, Jolo celebrate Sen. Bong’s birthday

Jodi, Jolo celebrate Sen. Bong’s birthday

jodi-and-jolo-copy

Magkasabay dumating sina Cavite vice-governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria sa 50th birthday celebration ni Senator Bong Revilla sa PNP Custodial Center, Camp Crame, QC. Hindi sila kinulit ng showbiz reporters na ‘andun din dahil obvious naman daw na together again sina VG Jolo at Jodi.

Manila mayor Joseph Estrada was there, but no one dared na tanungin siya tungkol sa pagiging biological father ng anak niyang si Jake Ejercito sa anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

As of presstime, wala pang pahayag sina Jake at Andi hinggil sa isyu. Sa isang event na dinaluhan ni Andi, umiwas siyang mainterbyu ng press.

Patalbugan?

Patalbugan sina Alden Richards, Rocco Nacino at Dennis Trillo sa kanilang luxury cars. May Jaguar sports car si Alden, Mustang ang kay Rocco at white BMW 420d Gran couple Sport ang kay Dennis. Nagtatanungan ang fans, alin daw kaya ang pinakamahal sa tatlong sports car?

Ani Rocco, stress-reliever ang kanyang Mustang sports car. Regalo naman sa kanilang sarili ang dahilan nina Alden at Dennis.

Tanong naman ng isang concerned citizen, bakit daw wala ni isang sang’gre na kasama ni Rocco sa “Encantadia” ang nanood ng “Oh, Boy!” concert niya sa Music Museum with Aljur Abrenica, Jake Vargas and Derrick Monasterio?

Sana raw, si Sanya Lopez na nali-link kay Rocco ay nanood bilang suporta sa co-“Encantadia” star. Kris Bernal was there for Aljur, Inah de Belen for Jake and Bea Binene for Derrick.

Uncalled for

Biro man o hindi, totoo man o hindi, uncalled for ang sinabi ni Vice Ganda kay Sunshine Cruz sa “Gandang Gabi Vice.”

Pinuri ni Vice ang maputi at makinis na kili-kili ni Sunshine nang itaas nito ang isang kamay. Naka-spaghetti strap black dress ang aktres.

“Pero may amoy daw?” taklesang sabi ni Vice. Deadma lang si Sunshine. No reaction. Palaisipan sa viewers kung may amoy ba o wala ang kili-kili ni Sunshine?

Friend zone

Na-friend zone si Alex Gonzaga sa sagot ni Joseph Marco sa tanong ni Vice Ganda kung mahal ba niya si Alex. “As a friend, mahal ko siya,” ani Joseph. Nag-guest sila sa “Gandang Gabi Vice” para mag-promote ng “My Rebound Girl.”

“Ay, friend zone,” ani Vice. Para namang bumagsak ang face ni Alex. Ini-expect kaya niya na hindi pang-kaibigan lang ang pagmamahal sa kanya ni Joseph? Anyway, opening day ngayon ng MRG sa mga sinehan nationwide.

comments