Home » News » News Roundup » 2 drug suspects itinumba sa QC

2 drug suspects itinumba sa QC

Patay ang dalawang drug suspects sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Quezon City nitong Martes ng gabi.

Sinisiyasat ng pulisya ang pagkamatay nina Mark Jill Ambat, 21, ng Katangian St., Barangay Batasan Hills; at Jerica Ang, 23, ng Sampaguita St., Brgy. Holy Spirit.

Pareho silang binaril ng apat na nakamotorsiklong lalaki. Ayon sa pulis, sumuko si Ambat sa mga pulis nang masagawa ng Oplan Tokhang noong isang buwan at umaming gumagamit ng shabu.

Nadakip naman ng barangay officials si Ang at ang kanyang live-in partner na si Toto Sarmiento noong Martes ng hapon dahil umano sa pagtutulak ng droga ngunit pinakawalan sila matapos na sumumpang makikipagtulungan sa mga awtoridad.

Si Ambat ay pinagbabaril habang naglalakad pauwi sa Kalusugan St., Holy Spirit bandang 11:15 p.m. habang si Ang naman ay pinaslang sa harap ng kanyang live-in partner, kapatid na babae at ama sa tapat ng isang simbahan sa Commonwealth Avenue. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments