Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 drug suspek patay sa Bulacan

2 drug suspek patay sa Bulacan

CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan – Napatay ang dalawang drug suspek matapos umano’y lumaban sa pulis sa magkahiwalay na pangyayari sa bayan ng Baliwag at Santa Maria noong Martes.

Ayon kay Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., acting Bulacan police director, ang mga napatay ay sina alias “Big Boy,” 45, ng Sitio Tumana, Brgy. San Jose, Baliwag at Alvin Dela Torre, na nasa BADAC List ng Santa Maria police.

Naaresto naman si Amelia De Guzman, live-in partner ni “Big Boy”, na taga Sitio Tumana, Brgy. San Jose in Baliwag town.

Ayon sa report ni Supt. Froilan R. Uy, naghantong sa barilan ang isang buy-bust operation sa Sitio Tumana, matapos lumaban si “Big Boy” sa mga pulis.

Na-rekober sa crime scene ang isang caliber .22 revolver, apat na plastic sachet ng pinaghihinalang shabu, ang R500 buy-bust money at iba’t ibang drug paraphernalia.

Sa Santa Maria, inulat ni Supt. Raniel M. Valones ang pagkamatay ni Dela Torre matapos ang buy-bust operation sa Brgy. Catmon.

Ayon sa report, nanlaban si Dela Torre matapos na paghinalaan ang mga pulis na nagsilbing buyer. Bumunot siya ng baril ngunit siya’y naunahan. Nakatakas naman ang kanyang kasama lulan ng motorsiklo. (Freddie C. Velez)

comments