Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Make-believe romance

Make-believe romance

alden-maine-2-copy-copy

MAKE-believe lang ba ’yung pagsagot ni Maine Mendoza kay Alden Richards on national TV? Sa interbyu ng Pep kay Alden about his love life, hindi niya sinabing officially together na sila ni Maine.

Aniya, priority niya ang kanyang family. Nagtatrabaho siya for them.

Ayon pa kay Alden, hindi kailangang isa lang ang “significant other” niya para masabing may love life siya. Marami siyang taong minamahal at nagmamahal sa kanya. Kuntento siya kung ano’ng meron siya ngayon kahit wala siyang love life.

Worried naman ang fans and supporters ni Alden sa post ng kanyang daddy sa social media na diumano’y may death threat sa kanilang pamilya. Bahala na raw ang NBI sa kung sino man ang nagbabanta sa kanilang buhay.

Sa pagpasok naman ni Alden sa “Encantadia” bilang Lakan, pataas nang pataas ang rating nito, base sa AGB Nielsen NUTAM survey. Two to three weeks ang appearance niya sa naturang telefantasya ng GMA7. Hiling ng fans ni Alden na i-extend pa ang paglabas niya.

Balik-taping

Back to work si Glaiza de Castro matapos siyang magbakasyon sa London. Balik-taping na siya sa “Encantadia” where she plays Pirena. Na-miss niya ang co-stars niya, lalo na ang tatlong sang’gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Kung kalaban niya ang tatlo on camera, off-camera ay magkakabati sila, ayon kay Glaiza. Masaya silang nagkukulitan, nagtsitsikahan.

Bumalik na ang karakter ni Sunshine Dizon bilang Adhara. Kapansin-pansing pumayat na siya.

Pasok din sa “Encantadia” si Rodjun Cruz. Siya ang binatang Paopao kapag nag-transform ang batang ligaw na si Paopao (Yuan Francisco) na tagapangalaga ng ikalimang brilyante ng Encantadia.

Huli!

Sa pagkahuli sa dating sexy star na si Sabrina M. na sangkot sa illegal drugs, inaabangan kung sino ang mga susunod na showbiz personalities ang mahuhuli. Sa listahan ng pamahalaan, mahigit 50 ang nasa drug watch list.

Sa interbyu ng “24 Oras,” nagpahayag si Rez Cortez, Actor’s Guild president na nakahanda silang makipagtulungan sa pamahalaan para sumuko na ang mga artistang diumano’y nasasangkot sa illegal na droga.

Ayon pa kay Rez, handa rin silang tulungan ang mga kasamahan nilang artistang susuko para magbago at maayos ang kanilang buhay.

Posible?

Nangangamoy promo na posibleng magkabalikan sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Magkasama ang ex-couple sa isang upcoming drama series ng GMA7.

Ani Kristoffer, open sila for a possible reconciliation. Hindi raw nawawala ang love and care for each other since they broke up. Gano’n?

comments