Home » Entertainment » Supporting role not an issue to Andrea

Supporting role not an issue to Andrea

andrea-torres-foto-copy-copy

Never daw naging issue para sa Kapuso sexy actress na si Andrea Torres na maging support siya sa GMA primetime teleserye na Alyas Robin Hood.

Huling napanood si Andrea sa afternoon teleserye na The Millionaire’s Wife kung saan siya ang nasa title role.

“Wala naman sa akin iyon. Ang importante sa akin ay ‘yung may trabaho ako.

“Hindi ako mapili sa mga roles na binibigay nila sa akin. Kahit ano pa ‘yan, basta may work, okey ako.

“Tsaka kahit support lang ako, primetime naman itong Alyas Robin Hood at iba ang role ko. Medyo mag-a-action ako sa teleserye na ito,” ngiti pa ni Andrea.

Binalita pa ni Andrea na nakabili na siya ng brand new van na magagamit niya sa kanyang taping. Isang Toyota Grandia ang kanyang nabili.

“Three years ko pong pinag-ipunan ang pambili ng van.

“Maingat kasi ako sa perang kinikita ko. Hind ako basta bibili kung sa palagay ko ay hindi ko pa kailangan.

“Yung van kasi, magagamit ko sa tapings at kapag mamasyal kami out of town ng family ko.

“I help out kasi sa mga gastusin sa bahay kaya gano’n na lang ako kaingat sa pera,” diin pa niya.

Ang maganda pa sa aktres ay may inilalaan siya para sa mga medical needs ng kanyang kapatid na isang special child.

“Kada suweldo ko po, may tinatabi ako para sa kapatid ko.

“Ako nagbabayad ng mga kailangan niyang gamot at para sa nurse na nag-aalaga sa kanya.

“Nakailang palit na kami ng nurse kasi tuwing may makukuha ako na nakakasundo na ng kapatid ko, bigla naman natatanggap abroad. Kaya maghahanap ako ng bago.

“Sabi ko nga, may suwerteng dala itong kapatid ko kasi lahat ng nurse na nag-alaga sa kanya ay nakakapag-abroad,” ngiti pa niya.

Hindi nga raw priority ni Andrea ang magkaroon ng boyfriend dahil ayaw niyang may distraction sa kanyang career.
(RUEL J. MENDOZA)

comments