Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sam at Zanjoe kinilig sa isa’t isa

Sam at Zanjoe kinilig sa isa’t isa

1angel-copy-copy

SINO kaya sa ex-boyfriends ni Angel Locsin ang nagkaroon ng third party sa kanilang break-up? Sa presscon ng “The Third Party,” inamin ni Angel na meron, pero sa kanya na lang daw ’yun.

Sina Miko Sotto, Oyo Sotto, Phil Younghusband at Luis Manzano ang ex-BFs ni Angel. Marami ang naghihinalang may third party sa break-up nina Angel at Luis. Ikaw ba ’yun Jessy Mendiola? Just asking!

Ani Angel, love has no boundaries, no limitations. Tatanggapin niya lahat, pati baho kapag talagang mahal niya.

Ipaglalaban niya kahit ano pa siya. Depende kung kakayanin niya.

Kasama ni Angel sa “The Third Party” sina Sam Milby at Zanjoe Marudo. High school friends sina Angel at Sam na naging magkasintahan. Nagkahiwalay sila at nagkitang muli makalipas ang maraming taon. Pero may iba nang mahal si Sam, si Zanjoe.

Kinilig pareho

Gay roles sina Sam at Zanjoe sa “The Third Party.” May sweet moments sila na anila, noong una’y pareho silang awkward. “Nakakagulat lang, pero enjoy naman,” ani Zanjoe. “Pinagtawanan lang namin,” sabi naman ni Sam. Pareho raw silang kinilig.

Ani Sam, hardest challenge sa kanya ang gay role at sweet moments nila ni Zanjoe sa TTP. Ani Zanjoe, kung hinihingi talaga sa eksena na may kissing scene sila, okey lang sa kanya.

Hindi naman ma-imagine ni Sam kung laplapan ang eksena. Baka magdalawang-isip siya.

Tinanong ang dalawa kung may third party ba sa break-up nila sa kanilang respective ex-girlfriends. Ayon kay Zanjoe, wala at mutual decision ’yun. Feeling naman ni Sam, baka meron. Walang proof, kaya hindi siya sure.

First movie together nina Angel, Sam at Zanjoe ang “The Third Party” under Star Cinema. Si Jason Paul Laxamana ang director na aniya, heartwarming movie ito na nagpapakita ng isang uri ng pag-ibig na kayang lampas an ang mga kumplikasyon ng pakikipag-relasyon sa kapwa tao. Showing ang TTP simula sa Oct. 12 sa mga sinehan nationwide.

Big deal?

Big deal ba kung nagpa-nose job si Joseph Marco? Eh, ano naman? Itinanggi niyang nagparetoke siya ng ilong. Pumayat lang daw siya, kaya napansin ang hugis ng kanyang mukha.

Sobrang busy raw siya sa kanyang work at wala siyang time para magpaayos ng ilong.

’Yun kayang isang aktres, itanggi rin kaya niyang nagpa-nose job siya? Noong nag-guest siya sa isang TV show at noong nakita namin siya sa isang showbiz event, halatang may nabago sa kanyang ilong. In fairness, bumagay naman sa aktres.

comments