Home » News » News Roundup » Tulak ng droga binaril, todas

Tulak ng droga binaril, todas

Patay ang isang hinihinalang tulak at gumagamit ng droga nang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Pasig City dakong 11:45 p.m. nitong Huwebes.

Base sa police report, sakay ng itim na motorsiklo ang bumaril kay Cristituno Abella, 51, driver, residente ng Bedana Street, San Nicolas district.

Isunugod si Abella sa Rizal Medical Center kung saan idineklara siyang dead on arrival dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at dibdib.

Ayon sa mga nakakita ng insidente, tumakas ang mga salarin patungong Dr. Sixto Antonio Avenue, Kapasigan district.

Sinabi ng police na kasama si Abella sa listahan ng mga drug user at pusher sa kanyang barangay. (Jenny Manongdo)

comments