Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » 3 suspects patay sa QC anti-drug operations

3 suspects patay sa QC anti-drug operations

Tatlong drug suspects ang nasawi samantalang sugatan ang isa pa sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa Quezon City kahapon. Kinilala ng mga pulis ang mga nasawi na sina Erlindo Torres, alias “Leon,” Wilfredo dela Cruz, alias “Willy,” at Leonel Lipata, alias “Tukne.”

Nagsagawa ng buy-bust operation ang Quezon City Police District Station 4 laban kina Torres and Dela Cruz, mga kilabot umano na drug pushers sa Barangay Sauyo, sa Rockville Ave., Barangay San Bartolome. Dumating ang dalawa sa lugar sakay ng motorsiklo at nagbenta ng tatlong pakete ng hinihinalang shabu sa isang police poseur-buyer na nagkakahalaga ng tinatayang P30,000. Lumabas ang mga iba pang pulis upang sila ay arestuhin pero sila ay tumakas at pinaputukan ang mga otoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis at nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang mga suspect na agad nilang ikinamatay. Nanlaban umano si Lipata sa mga pulis pagkatapos siyang mahuling nagbebenta ng hinihinalang shabu sa kanyang kapitbahay sa kanyang barong barong sa F. Calderon St., Barangay Santa Lucia. Bumunot umano ng baril ang suspect nang siya ay arestuhin pero siya ay inunahan ng mga pulis at binaril. Naaresto ang kapitabahy ng biktima. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments