Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Drug suspect tinadtad ng bala

Drug suspect tinadtad ng bala

Isang hinihinalang drug pusher ang tinadtad ng bala ng apat na nakamotorsiklong kalalakihan kahapon dakong 1:45 a.m. sa Pasay City. Patay agad si Ray Araja alyas Macmac, 29, ng No. 10 BAC1-11, Don Carlos Village, Barangay 190, Zone 20, nang paulanan ng bala ng mga salarin habang siya’y nakatayo sa isang madilim na eskinita malapit sa kanyang bahay. Ayon sa isang testigo, nakasuot ng bonnet ang apat na lalaki na tumakas patungong Barangay Sto. Nino.

Sinabi ni Chief Inspector Rolando Baula, head ng Pasay Police Station Investigation and Detective Management Branch, na si Araja ay kilalang drug pusher sa lugar at kasama rin sa drug watch list ng barangay. “Galing ‘yan sa may kayang pamilya kaso sumasideline sa pagtutulak. Kilala talaga ‘yan dito na ganyan,” ayon sa isang kagawad sa lugar. Ngunit isang kapitbahay ng biktima ang nagsabi na napagkamalan lamang si Araja na isang drug pusher. (Martin Sadongdong)

comments