Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Anak ni Andi, love ng ama

Anak ni Andi, love ng ama

jake-and-ellie-copy

Ang ganda ng ipinost na picture ni Jake Ejercito sa kanyang Instagram account kasama si Ellie, anak niya kay Andi Eigenmann. Karga niya ang bagets na nakayakap sa kanyang mga balikat.

Walang diretsang pag-amin si Jake na siya ang real father ni Ellie. Reading between the lines sa kanyang message for Ellie, he’s the one talaga.

Bahagi ng message ni Jake ay mula’t sapul bago pa isilang si Ellie ay ‘andun na siya for her. Mahal na mahal niya ito at hindi na siya makapaghintay na magtanong ito sa kanya ng mga bagay-bagay sa buhay nito.

Marami silang beautiful memories na proud siyang i-share kay Ellie. “You will always be my princess and I, your first love,” bahagi pa ng mensahe ni Jake sa kanyang anak.

Hoping

Magde-debut this December si Gabbi Garcia. Pwede na siyang ligawan ni Ruru Madrid. Ani Ruru, sasama ang loob niya kapag hindi siya sinagot ni Gabbi.

Ang co-stars nila sa “Encantadia,” gustong maging “sila.” Bagay daw sina Ruru at Gabbi. Nagtatanong naman ang kanilang fans kung kalian muling magkikita ang karakter nila bilang Ybarro at Alena sa “Encantadia”?

Ayaw nilang mapunta si Ybarro kay Amihan (Kylie Padilla). Nagkita muli ang dalawa at sanib-puwersa sa paglaban kay Pirena (Glaiza de Castro). Mukhang nagkakamabutihan sina Ybarro at Amihan. Nakalimutan na kaya ni Ybarro si Alena?

Gusto rin

Gusto ring magkaanak nina Charice Pempengco at Alyssa Quijano. Four years na silang magka-relasyon. Plano rin nilang sumailalim sa proseso kung paano sila magkakaanak, tulad ng napagdesisyunan ng “mag-asawang” Aiza Seguerra at Liza Dino.

Pansamantalang ipinagpaliban muna ‘yun nina Aiza at Liza. Busy pa sa kanilang respective jobs. Si Aiza bilang chairperson ng National Youth Commission, chairperson naman si Liza ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Kung tanggap ng pamilya ni Aiza ang relasyon nila ni Liza, hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng pamilya ni Charice si Alyssa. Sa kabila nu’n, nananatiling matatag ang samahan nilang dalawa. Balak din nilang magpakasal tulad ng ginawa nina Aiza at Liza.

Magbabakasyon

Magbabakasyon sa London at Germany sina Alden Richards at Maine Mendoza sa last week of this month. Marami silang magkakasama at hindi silang dalawa lang.

Huwag masyadong pa-hopia (hoping) ang AlDub fans at huwag piloting maging “sila.” Naguluhan sila sa sinabi ni Alden sa isang interbyu na priority niya ang kanyang pamilya. Happy at kuntento siya kahit walang lovelife.

comments