Home » News » News Roundup » 4 patay sa QC shootouts

4 patay sa QC shootouts

Patay ang apat na drug suspects matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na magkahiwalay na operasyon laban sa droga sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinialala ng police ang dalawa sa mga napatay na sina Renato Tagalan alias “Jun Jun,” 37; at Danilo Catbagan, 43.

Inaaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawa pang nasawi. Nagsagawa ng buy-bust operation ang anti-illegal drugs operatives ng Batasan Police Station (PS-6) bandang 12:30 a.m. laban kay Tagalan na matagal nang nasa drug watchlist dahil sa pagbebenta ng droga.

Sumang-ayon si Tagalan na katagpuin ang police poseur-buyer sa loob ng kanyang bahay sa St. Florence Street, Barangay Holy Spirit, para doon bentahan ng P200 halaga ng shabu.

Ngunit bago pa man siya arestuhin, natunugan niya na mga pulis ang kanyang ka-transaksiyon. Agad na bumunot ng .38-caliber revolver ang suspect at nakipagpalitan ng putok sa mga alagad ng batas.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan si Tagalan habang ginagamot sa East Avenue Medical Center. Ganito rin ang kinahantungan ni Catbagan na nahuling nagbebenta ng apat na pakete ng shabu sa halagang P200 sa drug sting na isinagawa ng Novaliches police dakong 12:40 a.m. sa Gloria Street, Barangay Gulod.

Binawian ng buhay si Catbagan sa Novaliches District Hospital na nabaril matapos niyang tangkaing lumaban sa mga pulis gamit ang isang .45-caliber pistol.

Samantala, napatay ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki nang iwasan nila ang police checkpoint sa kanto ng Sauyo Road at Manchester St., Barangay Sauyo bandang 1:30 a.m. (Vanne Elaine Terrazola)

comments