Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » KC and Garrie support sister Cloie’s Miss Earth bid

KC and Garrie support sister Cloie’s Miss Earth bid

kc-concepcion-foto-copy-copy

BALIK-Pilipinas na si Alden Richards matapos siyang mag-concert sa London. Naisingit din niya ang pamamasyal sa ilang dream destinations niya at nakapag-shopping pa.

Babalik si Tisoy sa London sa end of this month para magbakasyon kasama si Maine Mendoza and some friends. No work at purely vacation lang, kaya mag-e-enjoy sila to the fullest.

Sa December, balik-Singapore naman si Alden para mag-host sa gaganaping 21st Asian Television Awards on December 2 sa Suntec Singapore Convention and Exhibition Center.

Last July this year ay nag-concert si Alden sa Kallang Theater sa Singapore, kaya natutuwa siyang makakabalik siya roon sa December.

Kasama niyang magho-host ng Asian TV Awards sina Adrian Pang, Stephanie Carrington at Baki Zainal. “It’s really an honor to be hosting this year’s Asian TV Awards,” ani Alden.

Mapapanood ang delayed telecast nito on December 11, 9:30 p.m., sa GMA News TV.

Suportado

Suportado nina KC at Garrie Concepcion ang half-sister nilang si Cloie Syquia-Skarne sa laban nito sa Miss Earth 2016. Nanalong Miss Earth-Sweden si Cloie at narito siya sa Pilipinas para sa kanyang training sa pagrampa sa coronation night on October 29.

Anak ni Gabby Concepcion si Cloie kay Jenny Syquia, kay Sharon Cuneta si KC at kay Grace Ibuna si Garrie. Concepcion ang taglay na apelyido nina KC at Garrie. Skarne si Cloie, sunod sa apelyido ng kanyang Swedish stepfather.

Magkahawig sina KC at Cloie na parehong maputi, morena naman si Garrie.

Sa guesting ni Cloie sa “Tonight with Boy Abunda,” yes agad ang sagot niya kay Boy Abunda nang tanungin siya nito kung sina KC at Aly Borromeo pa ba? False alarm ang nabalitang hiwalay na ang dalawa.

She’s seeing someone else (from Sweden), ayon kay Cloie. Open naman sa kanilang relasyon sina Garrie at Michael Pangilinan.

Sayang at hindi naitanong ni Boy kay Cloie kung nagkita na ba sila ni Gabby Concepcion. Hindi nagkita ang mag-ama noong huling punta ni Cloie sa Pilipinas a few years ago.

Naudlot

Naudlot ang reunion movie nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta kung saan dapat sana’y kasama nila sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Uunahing gawin ni Sharon ang isang indie movie na entry sa Cinemalaya Film Festival. Co-producer ditto ang megastar.

Number 1

Humahataw sa ratings ang “Encantadia.” Number 1 ito sa Urban Luzon base sa Nielsen TV Audience Measurement. Marami pang kaabang-abang na pasabog ang dapat tutukan.

comments