Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Car wash boys niratrat

Car wash boys niratrat

BAGUIO CITY – Patay ang tatlong trabahador sa isang car wash shop habang isa sa mga kasamahan nito ay sugatan matapos pagbabarilin ang mga ito ng hindi pa nakikilalang mga suspects Huwebes sa Naguilian Road.

Dead on the spot si Roland Valdez ng Asin road sa Baguio gayundin ang isa pang hindi pa nakikilalang kasama nito na may ‘XV GUARDIANS L LAR MAUTE’ tattoo sa kaniyang katawan.

Dead on arrival naman si Rudy Pagaduan Pais na residente ng Ilocos Sur.

Naitakbo sa Baguio City General Hospital ang kasama ng tatlong biktima na si Mark Angelo Calma, 32 anyos at nakatira sa San Roque Village.

Abala umano ang mga biktima sa kanilang trabaho sa 3M Carwash sa San Roque Village Huwebes ng gabi nang paulanan ang mga ito ng bala.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa naturang krimen.

Samantala, pinarangalan ng city government ang apat na residente bilang outstanding senior citizens na mga centenarians o may edad 100 anyos.

Ang mga ito ay sina Ceferino Montero Cabasa, Maria “Ina Oyang” Amingay Insigne, at Fruto Palpalay Dalmas na pare-parehong 100 anyos habang isang taon ang tanda ni Rosalina Pagaddut Ognayon.

Kapwa tumanggap ang mga ito ng halagang P10,000 buhat sa city government at City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Tumanggap din ng leadership awards ang ilan pang mga residente ng lungsod kabilang na si Dr. Placido Abuan, Sr na isang guidance counselor, teacher at graduate school dean. (Zaldy Comanda)

comments