Home » News » News Roundup » Jeepney barker itinumba

Jeepney barker itinumba

Patay ang isang jeepney barker nang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Parañaque City nitong Huwebes ng gabi.

Base sa police report na isinumite kay Senior Supt. Jose Carumba, Parañaque City police chief, dead on the spot ang biktimang si Amir Maruhombsar dahil sa pitong tama ng bala sa katawan.

Napag-alaman na nagtatawag ng pasahero ang biktima dakong 8:15 p.m. sa kanto ng Quirino Avenue corner Aragon St., Barangay Baclaran, nang biglang lumitaw ang dalawang hindi kilalang lalaki sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinaulanan siya ng bala.

Ayon sa police, nalaman nila na kilalang drug runner at pusher ang biktima sa kanilang lugar. Sinabi naman ng kasamahan ng napatay na drug user lamang ang biktima at hindi pusher. (Jean Fernando)

comments