Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mark still hasn’t gotten over dad Rudy’s death

Mark still hasn’t gotten over dad Rudy’s death

8mark-anthony-copy-copy

ANG lakas pa rin kasi ng appeal ni Mark Anthony Fernandez, kaya hindi siguro napigilan ng dalawang police women na magpa-picture sa kanya. Guwapo pa rin si Mark kahit tumaba siya at papalicious pa rin sa edad na 37 at may teenaged son, ang nag-aartistang si Grae.

Dalawa o tatlo naman ang anak ni Mark sa estranged wife niyang si Melissa. Kapapanganak lang ng current girlfriend niyang si Dianne.

Palibhasa’y kilala sa showbiz, tinututukan ng media ang kaso ni Mark. Marami ang nakikisimpatiya at sumusuporta sa kanya.

Mabait si Mark, press friendly kung ilarawan siya ng entertainment writers. Kahit may negative write-ups about him, wala siyang inaway o nakaaway na reporter since nag-artista siya.

“Affected si Mark noong naghiwalay ang papa (the late action star Rudy Fernandez) at mama (Alma Moreno) niya.

Nagkaroon ng ibang pamilya si Rudy (Lorna Tolentino and their sons, Rap and Renz). Si Alma, nakarelasyon si Mang Dolphy at si Vandolph ang naging anak nila.

“Naging asawa ni Alma si Joey Marquez. Nagkaroon din si Mark ng half-siblings (Yeoj, Winwyn, VJ at Ma-al). Meron pang adopted child,” anang isang reporter na ninang sa binyag ni Mark.

Dagdag pa nito, na-depress si Mark noong namatay si Rudy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin fully nakaka-recover si Mark. Dasal ng mga nagmamahal kay Mark, huwag naman sanang mahatulan siya ng lifetime imprisonment.

Nakadalaw na kaya?

Sana’y hindi hanggang pagpo-post lang sa social media ng old photos nila kasama ang kanilang kuya Mark Anthony Fernandez ang ginagawa ng half-brothers niyang sina Rap at Renz. Sana’y mag-effort din silang dalawin (o nakadalaw na kaya?) si Mark sa selda nito sa Pampanga Provincial Jail. Maganda ’yung personal nilang nadadamayan si Mark sa pinagdaraanan nito.

Si Winwyn Marquez kaya, nakadalaw na? Recently ay magkasama silang nagbakasyon sa Cebu ng boyfriend niyang si Mark Herras.

Pinag-aawayan

First death anniversary today ni Elizabeth Ramsey, pero pinag-aawayan pa rin siya ng magkapatid na Jaya at Susan.

Gusto sana ni Jaya ipa-cremate ang bangkay ng kanilang mommy noong namatay ito.

Ayaw ni Susan at ipinalibing ang kanilang ina sa Holy Garden sa Antipolo. After a year, ipinahukay ni Susan ang labi ng kanilang mommy at inilipat sa San Carlos City, Negros Occidental.

Sa away nina Jaya at Susan, palagay ba nila’y natatahimik ang kaluluwa ng kanilang mama? Nakakalungkot na parehong mahal nila sa buhay ang pinag-aawayan ng magkapatid.

comments