Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 3 fake Lacson staff timbog

3 fake Lacson staff timbog

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang tatlong taong nagpakilala umanong tauhan ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson at nangotong sa pamilya ng lalaking nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 or “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.”

Ang suspect na si Dina Joson-Castro, 34, at kanyang dalawang kasamahang sina Roberto Fajardo, 51, at Ariel Balotro, 35, ay natimbog sa isang entrapment operation na isinagawa ng Special Concern Unit ng Regional Intelligence Division headed by Supt. Ruel Cagape sa Bulacan Prosecutor’s Office sa Malolos City, Bulacan pagkatapos nilang tanggapin ang halagang R30,000 noong Biyernes.

Ayon sa ulat ni Cagape, nagpakilala ang mga suspect sa ina ng lalaki na sila ay staff ni Lacson at inalok na aayusin nila ang kaso ng kanyang anak.

Sinabi ni Castro sa ina ng lalaki na kakausapin niya ang inquest prosecutor upang bigyan ng piyansa ang kanyang anak at maibasura ang kaso sa tulong ng opisina ni Lacson kapalit ng P320,000.

Dahil dito, humingi ng tulong sa mga pulis ang ina. Napagalaman nga pulis na hindi tauhan ni Lacson ang mga suspect.
Tinawagan ni Castro ang ina at humingi ng R30,000 para sa early resolution ng kaso. Agad na isinagawa ang entrapment operation kung saan nahuli ang mga suspect pagkatapos nilang tanggapin ang pera.

Nasamsam sa mga suspect ang mga mobile phones, identification cards, at ang marked money. Nahaharap sa kasong robbery extortion and usurpation of authority ang mga suspect. (Freddie C. Velez and Mario B. Casayuran)

comments