Home » Entertainment » Mark Herras mourns loss of foster father

Mark Herras mourns loss of foster father

9markbw-copy

PAGKATAPOS pumanaw ng ina ng Kapuso leading man na si Mark Herras noong nakaraang April lamang, muli na naman siyang nawalan ng isang mahal sa buhay.

Sumakabilang-buhay noong nakaraang Oct. 7 ang kanyang foster father na si Herminigildo “Pim” Santos dahil sa cardiac arrest.

Si Pim ang tinuring na tatay-tatayan ni Mark simula pa noong sanggol siya. Si Pim ay kapatid ng kanyang yumaong ina na si Jasmin Santos.

Sa kanyang Instagram account ay malungkot ang mga pinost na messages ni Mark dahil sa pagpanaw ng kanyang tatay-tatayan na si Pim.

“I don’t know what to say, Pim… Hindi ako handa tapos bigla ka na lang nang-iwan…” caption pa ni Mark.

Si Pim ang ikaapat na family member ni Mark na sumakabilang-buhay na.

Unang nawala ay ang kanyang pinakamamahal na lola na kung tawagin niya ay Mamang. Pangalawa ay ang kanyang Daddy Jun na pumanaw noong 2014 dahil sa sakit na diabetes. Tapos magkasunod na ang kanyang ina at si Pim ngayong taon.

“Please say ‘Hi’ kay Mamang, Mama and Daddy… I will miss you everyday! Love you, Pim! Maraming salamat po sa lahat…
“Sila ang mga nag-alaga, nagpalaki at nagbigay sa akin ng buhay.

“Maraming, maraming salamat po sa lahat at mahal na mahal ko kayong lahat,” madamdaming caption pa ni Mark sa isang post niya.

Bumuhos ang condolences mula sa kanyang fans at mga kaibigang sina Katrina Halili, Barbie Forteza, Joko Diaz, Gene Padilla at marami pang iba.

Nagpadala rin ng madamdaming mensahe ang kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez.

Dumaraan din sa isang emotional state si Wyn dahil sa pagkakakulong ng kanyang kuya na si Mark Anthony Fernandez.

Heto ang post ni Wyn sa Instagram:

“i don’t quite understand why everything is happening at the same time. sunod sunod. i pray for my brother’s safety i pray na sana ma-tapos na lahat toh they dont know how good you are to us and everyone around you and i pray for my mom’s health please dont worry too much maayos din laht and i pray for tito hermi’s soul who left us so early at biglaan ang nag-alaga at tuma-yong tatay ni mark at napamahal na din sa akin nang sobra.

“Salamat sa lahat tito. pangga @angelo_herras you have me and i have you.

“We’ll take care of each other. Sa isat isa lang tayo humuhugot ng lakas ngayon. matutupad wish ni tito ga gagawin natin yun. I know everything will be okay…i love you so much.” (Ruel J. Mendoza)

comments