Home » News » News Roundup » 3 lalaki patay sa Malabon ambush

3 lalaki patay sa Malabon ambush

Tatlong lalaki ang napatay nang tambangan ng dalawang armadong lalaki na nakamotorsiklo sa Barangay Concepcion, Malabon City, bandand 3 p.m. nitong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Ronaldo Sartin, 30; Carlo Rodriguez, 36; at Ricardo Pablo, 32, mga residente ng Malabon.

Base sa police report, nakasakay ang mga biktima sa isang van nang pahintuin ng mga nakamotorsiklong salarin at paulanan ng bala.

Ayon sa police, mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. Na-recover sa pinangyarihan ng krimen ang 14 na basyo ng .45-caliber pistol.

Dead on the spot ang tatlong biktima dahil sa dami ng tama ng bala sa kani-kanilang katawan. Nalaman ng mga imbestigador na kasama si Rodriguez sa drug watch list ng Malabon Police.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang mga armadong lalaki na pumatay sa tatlong biktima. (Jel Santos)

comments