Home » Entertainment » Andi Eigenmann breaks her silence

Andi Eigenmann breaks her silence

BINASAG na ng kontrobersyal aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang katahimikan tungkol sa tunay na ama ng kanyang anak na si Ellie. Inihayag na finally ni Andi ang katotohanang ang anak ni former President Joseph Estrada na si Jake Ejercito ang tunay na ama ni Ellie at hindi ang young actor na si Albie Casino.

Inabot din ng dalawang linggo ang pananahimik si Andi simula noong lumabas ang katotohanan sa isang podcast ni radio DJ Mo Twister sa “Good Times with Mo” ang kinuwento ng half-sister ni Andi na si Maxene Eigenmann na si Jake ang tunay na ama ng anak ni Andi na si Ellie.

Isang paternity test na matagal na raw ginawa ang nag-match kina Jake at Ellie at hindi si Albie.

Noong nakaraang Oct. 4 ay naglabas na ng official statement si Andi sa tulong ng Viva Artists Agency.

Ginawa raw ni Andi ang manahimik muna dahil nais nitong protektahan ang kanyang anak na inosente sa lahat ng mga nangyari nitong mga nagdaang mga linggo.

Wala binanggit na anumang pangalan si Andi sa kanyang statement para wala na raw ibang madamay pa.

Heto ang kanyang nilabas na statement sa media:

“Recent events have put my daughter Ellie into the limelight with the media.

“I made a conscious choice not to talk about the paternity of my daughter in order to protect the privacy of Ellie.

“Growing up, Ellie knew who her father was and he has been there for her, and that’s all that matters.

“As a mother, I would like to shield her from the intrigues and gossip that are part of the industry.

“I hope this will put the issue to rest.

“I’m requesting everyone to respect the privacy of Ellie.”

Ayon pa kay Andi, matagal na raw silang nagkaayos ni Albie at nag-sorry na siya rito.

Noong lumabas na ang katotohanan tungkol sa kung sino ang tunay na ama ni Ellie, isang simpleng “thank you” ang pinost ni Albie sa kanyang Instagram account. (RUEL J. MENDOZA)

comments