Home » News » News Roundup » Dagdag na LTO offices bubuksan

Dagdag na LTO offices bubuksan

Matapos na maisulong ang five-year validity ng driver’s license, magbubukas naman ang Land Transportation Office (LTO) ng mas maraming satellite offices sa mga mall at iba pang pampublikong lugar kung saan madaling makakapag-renew ang mga motorista ng kanilang expired licenses.

Ang pagtatayo ng Drivers’ License Renewal Office (DLRO), ayon kay LTO chief Edgar Galvante, ay hakbang para maging mabilis at komportable para sa mga motorista ang license renewal at maiwasan ang haba ng pila ng mga aplikante sa mismong opisina ng LTO at regional offices.

Sinabi ni Galvante na kamakailan lamang, binuksan ang dagdag na DLRO sa 3rd floor ng Lucky Chinatown mall sa Binondo, Manila. (Aaron Recuenco)

comments