Home » Entertainment » Timing » Ariel at Gelli di magkatagpo

Ariel at Gelli di magkatagpo

Nag-iiwasan kaya ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen? Kung kailan naging Kapamilya star si Gelli, saka naman umalis sa ABS-CBN si Ariel. Balik-GMA siya na dating home studio ni Gelli.

Kasama si Ariel sa isang teleserye ng GMA. Abang-abang na lang kung saan siya mapapanood. Marami pa naman ang may gustong magkasama sa isang show ang mag-asawa ngayong nasa ABS-CBN na si Gelli.

Huling napanood si Ariel sa GMA noong 2009 sa “Rosalinda” na pinagbidahan ni Carla Abellana. “Doble Kara” at Born for You” ang huling dalawang shows ni Ariel sa ABS-CBN.

Idolo

Hindi lang viewers ng “Encantadia” ang umiidolo sa karakter ni Sanya Lopez bilang Danaya. Siya mismo ay iniidolo si Danaya. Ani Sanya, bilib siya sa taglay na tapang ni Danaya. Walang inuurungan at handang lumaban. Gusto niyang tularan si Danaya at maging matapang din siya sa tunay na buhay.

Nagsisilbing bonding naman ng “Encantadia” cast ang pagsasayaw kapag break time sa set. Gumagawa sila ng video at ‘kaaliw silang panoorin.

Sina Rocco Nacino, Ruru Madrid at Buboy Villar, nag-jump shot challenge pa. Naka-almost 6,000 views ito sa Instagram.

Hugutan

Parehong may pinagdaraanan ngayon sina Mark Herras at Winwyn Marquez. Namatay ang tito Hermie ni Mark na pangalawang ama ang turing niya.

Nakakulong naman sa Angeles Police Station sa Pampanga ang half-brother ni Winwyn na si Mark Anthony Fernandez. Sa post ni Winwyn sa social media, humuhugot sila ni Herras ng lakas sa isa’t isa.

Magkakasunod namatay ang lola, mommy, daddy at tito ni Mark, kaya sobrang sakit ang nararamdaman niya. Si Winwyn ang karamay niya sa kanyang pagdadalamhati.

May mensahe rin si Winwyn sa kanyang kuya Mark (Fernandez).Ipinagdarasal niya ang kaligtasan nito. “They don’t know how good you are to us and everyone around you,” bahagi ng message ni Winwyn. Nakadalaw na kaya siya kay Mark?

Ipinagdarasal din ni Winwyn ang kalusugan ng kanilang mama (Alma Moreno). Huwag daw itong mag-alala at maaayos din ang lahat. ‘Yun din ang dasal ng mga taong nagmamahal at sumusuporta kay Mark.

Magpapa-ligate na

Wish ni Gladys Reyes na baby girl ang ipinagbubuntis niya. May two boys and one girl na sila ng asawang si Christopher Roxas. Balak ni Gladys magpa-ligate pagkatapos niyang manganak. Quota na raw sila sa apat na anak.

Hindi siya maselan maglihi. Paborito niyang kainin ngayon ang sinigang na baboy, paksiw at prutas (grapes, apples at watermelon).

comments