Home » News » News Roundup » Landlord sinaksak ng tenant

Landlord sinaksak ng tenant

Inaresto ng police ang isang miyembro ng Sputnik gang matapos niyang pagsasaksakin at halos mapatay ang kaniyang landlord nang singilin siya ng huli sa kanyang hindi nababayarang renta sa bahay nitong Linggo ng gabi sa Pasay City.

Sinabi ni PO2 Catalino Gazmen na kasalukuyang nagpapagaling sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Alselmo Saet, vendor, 42, nakatira sa Block 17, Lot 17, Kamagong St., Brgy. 145, Zone 16, Pasay.

Dinala naman sa Pasay City Jail ang suspek na si Rogelio Torres Jr., 37, tenant ng biktima. Nahaharap siya sa kasong attempted homicide at illegal possession of bladed weapon. (Martin A. Sadongdong)

comments