Home » Entertainment » ‘Hindi kami scripted!’ – Derrick and Bea

‘Hindi kami scripted!’ – Derrick and Bea

derrick-and-bea-4-copy-copy

Sinisiguro ng Kapuso loveteam nila Derrick Monasterio at Bea Binene na ang kanilang tambalan ay hindi pilit at hindi lalabas na scripted.

Muli kasing magsasama ang dalawa sa bagong comedy series ng GMA-7 na Tsuperhero.

Huli silang napanood sa teleserye na Hanggang Makita Kang Muli at maganda ang pagtanggap sa DerBea loveteam.

Nagtambal din sila sa sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

Kaya naisipan ng GMA-7 na pagsamahin ulit sila dahil tanggap naman sila ng mga fans bilang isang ideal loveteam.

Ayon kay Bea: “Kasi sa amin what you see is what you get. Like kami, we’re very good friends and he is one of my guy best friends.

“Kumbaga kami hindi namin pinipilit ‘yung mga sarili namin kung ano dapat mangyari para sa love team na ‘to. Kumbaga hindi kami scripted.”

Pati raw ang mga sinasabi nila sa isa’t isa ay galing sa kanila mismo at walang nagtuturo.

“Yung mga sinasabi namin hindi ‘yung mga tinuro sa amin or para to sugarcoat everything for the love team.

“Hindi kami ganun, kami what you see is what you get.

“Basta kami were good friends and were doing our jobs and let see what will happen ‘di ba ganun lang po,” pagtapos pa ni Bea Binene.

Samantalang pressured ngayon si Derrick dahil first time niyang makakasama sa “Tsuperhero” ang hinahangaan niyang komedyante na si Michael V.

“Nakaka-pressure siyempre baka masapawan!

“Pero ‘yun sila naman ‘yung tipong tao na tutulungan kang galingan, mag-stand out. Nakaka-pressure na excited,” ngiti pa niya.

Masuwerte nga raw si Derrick dahil pagkatapos na makatrabaho niya ng matagal si Vic Sotto sa Vampire Ang Daddy Ko, si Bitoy naman ang sumunod.

“Masaya kasi marami kaming matutunan sa kanila and siyempre mas veteran sila sa akin, so iga-guide rin nila ako.

“Tulad ni Kuya Bitoy, iba naman ang style niya kay Bossing Vic.

“Pero tulad nga ni Bossing, napaka-supportive ni Kuya Bitoy. Kung saan tayo nahihirapan, nandoon siya para padaliin ang lahat,” pagtapos pa niya. (RUEL J. MENDOZA)

comments