Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Pusher, tiklo sa MILF, pulis

Pusher, tiklo sa MILF, pulis

Nabuwag ng pinagsamang pwersa ng pulisya at MILF ang isang lawless group na pinamumunuan ng isang drug pusher sa North Cotabato.

Ayon kay Army Major Filemon Tan Jr., the spokesman of the AFP Western Mindanao Command (WestMinCom), laglag sa kanilang pwersa si notorious drug pusher Madrox Masgal na nahulihan ng high-powered firearms kasama na ang homemade barret, M16 rifle, dalawang homemade M79 grenade launchers at live RPG ammunition.

Arestado din ang 53 katao na sinasabing miyembro ng grupo ni Masgal na suspek din sa pagkamatay ng personnel ng 45th Infantry Battalion at 7th Field Artillery Battalion at ang pagtatanim ng land mine na nagdulot ng pinsala sa 62nd Division Reconnaissance Company.

Kasapi naman sa operasyon ang operatives ng 602nd Brigade, Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at MILF na ginawa sa marshy areas ng Barangays Nabalawag, Kadingilan, Olamdang, Kadigasan and Tugal, mga bayan na matatagpuan sa Midsayap, North Cotabato.

“The operation was made possible through the joint cooperation of the government troops and the MILF in adherence to the all-out campaign of the government against the proliferation of illegal drugs in the country,” ani Tan.
(Francis T. Wakefield)

comments