Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Richard at Robin iniyakan ni Sharon

Richard at Robin iniyakan ni Sharon

sam-milby-copy-copy

SINA Richard Gomez at Robin Padilla pala ang iniyakan ni Sharon Cuneta sa mga naging boyfriend niya. Ini-reveal niya ito noong nag-guest siya sa “Magandang Buhay.” Aniya, sa harapan pa ng bahay ng long-time best friend niyang si Olive Isidro nag-break sila ni Richard. Kapatid ni Olive ang controversial ngayong singer-actress na si Agot Isidro.

Nasa Australia naman si Sharon noong nalaman niyang may asawa na si Robin.

“Baliw-baliwan” din pala si Sharon kapag may karelasyon siya. Kuwento niya, meron siyang iniiwasan (hindi niya binanggit kung sino) noon na sa pagmamadali niya’y basta na lang siya sumakay sa sasakyan kasama si Olive.

Nakalimutan daw niyang magsuot ng bra.

Nagbihis siya habang binabagtas nila ang kahabaan ng EDSA. Nakalimutan niyang hindi pala tinted ang mga bintana ng kotse. Mabuti na lang daw, hindi pa gaanong siksikan ang mga sasakyan ng mga panahong ’yun, kaya hindi siya napansin.

Umasa

Pareho palang matagal naka-move on sina Zanjoe Marudo at Sam Milby matapos ang relasyon nila kina Bea Alonzo at Anne Curtis, respectively. Sa guesting nila sa “Gandang Gabi Vice” kasama si Angel Locsin, inamin ni Sam na after six years, saka pa lang siya naka-move on.

Nag-effort pa siya at umasang magkakabalikan sila ni Anne. Na-hurt siya noong nalaman niyang may bago na itong boyfriend. Five years na together ngayon sina Anne at Erwan Heussaff. Si Sam naman ay non-showbiz ang current girlfriend.

Si Zanjoe ay single pa rin hanggang ngayon since nag-break sila ni Bea almost a year ago. Balitang si Gerald Anderson ang nagpapasaya ng puso ngayon ni Bea.

Ayon naman kay Angel Locsin na kasama nina Zanjoe at Sam sa “The Third Party,” kung saan maligaya ang isang taong mahal niya, ile-let go na lang niya, kesa ipagsiksikan ang sarili niya na mahalin siya nito. Ikaw ba ’yun, Luis Manzano?

Matuloy kaya?

Comeback project pa naman ni Alma Moreno ang “Tsuper Hero” na gagawin niya sa GMA7. Mukhang alanganin pang matuloy ang pagbabalik ng aktres dahil sa kasong kinakaharap ngayon ng anak niyang si Mark Anthony Fernandez.

Bilang isang ina, tutok muna si Alma sa pinagdaraanan ni Mark. Nakiusap siya sa GMA na hindi muna siya makakapag-taping. Pansamantalang nakatira si Alma sa Angeles City para madali niyang madalaw si Mark na nakakulong sa Angeles District Jail.

Hanggang kailan naman kaya mahihintay ng GMA si Alma na makapag-taping? Hindi kaya nanganganib na mapalitan siya?

Sayang naman.

comments