Home » News » News Roundup » 15-year-old boy sugatan sa riot

15-year-old boy sugatan sa riot

Himalang nakaligtas sa kamatayan ang isang 15-year-old out-of-school youth matapos bugbugin at pitong beses sasakin ng kutsilyo ng isang grupo ng kalalakihan sa Pier 2, North Harbor, Tondo, Manila, madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa police, tatlong saksak sa ulo, dalawa sa likod at dalawa sa kaliwang braso ang tinamo ni Raymond Rogon, nakatira sa Parola Compound, Tondo.

Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center. Base sa imbestigasyon masayang nakikipag-usap ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang biglang sumulpot ang isang grupo ng kalalakihan at atakihin sila bandang 12:30 a.m. sa Pier 2, North Harbor.

Agad naman dumating ang mga tanod, dahilan para kumaripas ng takbo ang mga suspek at kaibigan ng biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga taong nanakit sa biktima. (Betheena Kae Unite)

comments