Home » Sports » 7 bansa sa gymnastics

7 bansa sa gymnastics

Mahigit sa 600 gymnasts mula sa pitong bansa ang inaasahang dadayo at maglalabu-labo sa mga pangunahing karangalan sa pagsikad ng 1st PGAA-STY Gymnastics International Championships 2016 sa Oktubre 15-16 sa Muntinlupa City Sports Center.

Kakatawan sa Pilipinas ang kabuuang 220 gymnastics clubs na makakasalpukan ang mga pambato ng Singapore, Indonesia, Thailand, Malaysia, India at Sri Lanka.

Ang mga nagnanais sumali ay magparehisto at alamin ang iba pang mga detalye: 0917 628 1635 o kay Jojo Pupos sa 0917 527 0212 at 8744626.

Palagiang sumasali ang PGAA-STY sa mga kumpetisyon sa bansa gaya ng Philippine Cup at sa ISM Goodwill Meet at maging sa abroad. (Angie Oredo)

comments