Home » Entertainment » Alma Moreno: ‘Pinipilit kong mag-smile’

Alma Moreno: ‘Pinipilit kong mag-smile’

alma-moreno-copy-copy

Nasa gitna man ng kalungkutan si Alma Moreno ngayon dahil sa pagkakakulong ng kanyang panganay na si Mark Anthony Fernandez, pinipilit pa rin daw niyang ngumiti dahil nagsimula na siyang mag-taping para sa bagong comedy show ng GMA-7 na “Tsuper Hero.”

Bilib ang buong cast and crew kay Alma dahil kahit na may excuse itong hindi muna mag-taping dahil sa nararamdaman niya, dumating pa rin ito sa taping at pinairal nito ang kanyang pagiging professional.

“Pinipilit natin mag-smile kasi unang-una trabaho ito.

“Kailangan gawin ko kung ano ‘yung nasa kontrata ko sundin natin, kahit ano ‘yung nararamdaman ko ngayon,” diin pa ni Alma.

Ramdam naman daw ni Alma ang suporta na binibigay ng buong cast ng “Tsuper Hero” sa kanya ngayon.

Kahit na umiiwas ang mga ito na pag-usapan ang tungkol kay Mark, sincere naman daw ang kanilang pagpapakita ng suporta sa kanya.

“Hindi sila nagsasalita, pero alam mong nandun ‘yung tatapikin ka, aakapin ka.

“Alam nila kasi na once napag-usapan ‘yun, alam nila na hindi ko pa kaya,” diin pa niya.

Nagkuwento pa si Alma ng kasalukuyang kalagayan ni Mark ngayon sa Angeles District Jail.

Naaawa raw si Alma sa kanyang anak dahil alam niyang nahihirapan ito.

“Siyempre hindi maganda, hindi mabuti.

“I mean nakikita mong mahirap. Kung makikita mo lang nakakaawa.

“Nakaakap lang siya ‘pag nagkikita kami. Higpit lang, higpit kasi hangga’t maari hirap na hirap ako, hindi ako umiiyak sa harap niya. Hahawakan lang niya kamay ko mahigpit ganun lang.

“Pero alam ko maraming nagmamahal sa anak ko, kay Mark.

“Thank you at sana tuloy-tuloy po ang pagdarasal sa anak ko, kahit sa hindi ko kakilala sana ho ‘yun lang pakiusap ko na bigyan ng lakas ng loob ang anak ko,” pagtapos pa ni Alma Moreno. (RUEL J. MENDOZA)

comments