Home » News » News Roundup » Body in sack natagpuan sa Tondo river

Body in sack natagpuan sa Tondo river

Isang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuang nakasilid sa sakong lumulutang sa Vitas river sa Tondo, Manila, bandang 9:57 a.m. nitong Martes.

Ang biktima na nasa edad 35 hanggang 40, may taas na 5’5’’to 5’7’’, payat at nakasuot ng white shirt at brown short pants ay natagpuan ng isang Gloria Macapas sa ilalim ng Marala Bridge.

Kinuha ng Philippine Coast Guard personnel ang bangkay. Walang sugat sa katawan ang biktima ngunit nakabalot ng brown packaging tape ang kaniyang mukha, ayon kay SPO1 Joseph Kabigting, case investigator.

Nakasulat sa sakong pinaglagyan sa bangkay ang mensahe na “Ako po si Boy Batak. Wag Tularan.” Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral Service habang patuloy na sinisiyasat ng police ang kaso. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments