Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Comeback project ni Alma tuloy na

Comeback project ni Alma tuloy na

derrick-monasterio-copy-copy

TULOY si Alma Moreno sa comeback project niya sa GMA7, ang “Tsuper Hero.” Nag-pictorial na siya at nakapag-taping na.

Tampok sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Gabby Concepcion, Michael V., among others. Concept ni Michael V. ang upcoming comedy series ng Kapuso Network.

Sa kabila ng pinagdaraanan ni Alma kaugnay ng kasong kinakaharap ng anak niyang si Mark Anthony Fernandez, sinisikap niyang magpakatatag.

Humihingi siya ng dasal na sana’y malampasan ito ng kanilang pamilya.

Todo-suporta kay Alma ang co-stars niya sa “Tsuper Hero.” Ani Derrick hanga siya sa professionalism ni Alma. Hindi nila nararamdamang may pinagdaraanan ito at naka-focus lang siya sa trabaho.

Hindi nila ito tinatanong tungkol kay Mark. “Ginagawa naming happy ang mood sa set para mapagaan ang loob niya,” ani Derrick.

New love

No confirmation, no denial si Sunshine Cruz sa tsikang diumano’y ang half-brother ni Ara Mina na si Macky Mathay ang nagpapasaya ngayon ng kanyang puso. Hiwalay din ito sa asawa at may tatlong anak.

Tatlo rin ang anak ni Sunshine kay Cesar Montano at four years na silang hiwalay. Nasa proseso pa ang annulment ng kanilang kasal.

Kapag nagkataon, magiging mag-hipag sina Sunshine at Ara. Sa nakita naming picture ni Macky, guwapo siya, huh! Nasa dating stage pa lang sina Sunshine at Macky.

Mukhang tahimik naman si Cesar sa kanyang love life.

Friends lang

Sa isang interbyu, muling itinanggi ni Maja Salvador na may “something” sila ni John Lloyd Cruz. Friends lang talaga sila. Walang malisya kung lumalabas silang dalawa lang. Sobrang close lang talaga sila dahil iisa ang kanilang handler.

Ayon kay Maja, she’s seeing someone else na hindi taga-showbiz. Secret daw muna kung sino ’yun. Nasa dating stage pa lang sila.

Nagkukulitan

Madalas magkasama sa eksena sa “Encantadia” sina Sanya Lopez at Mikee Quintos, kaya nagkalapit ang mga kalooban nila.

Mahilig silang magkulitan sa set. Nagkakantahan din sila at ibini-video pa nila.

In-upload pa ni Mikee ang ni-lip synch nilang kanta ni Donna Lewis, ang “I Love You Always Forever.” Almost 19,000 ang views nito sa Instragram.

Aliw naman ang “Encantadia” viewers sa karakter ni Mikee bilang Lira. Pakikay siya at pasaway.

Naseseksihan naman sila kay Sanya na gumaganap bilang Danaya. Malakas daw ang screen presence niya.

Bagong pasok sa “Encantadia” si Avery Paraiso na gumaganap bilang Khalil, anak nina Alena (Gabbi Garcia) at Ybarro (Ruru Madrid). Anak naman ni Ybarro si Lira kay Amihan (Kylie Padilla).

comments