Home » News » News Roundup » Sumukong drug suspect binaril

Sumukong drug suspect binaril

Isang hinihinalang drug suspect na sumuko kamakailan sa mga pulis sa ilalim ng “Oplan Tokhang” ang binaril at napatay ng dalawang armadong lalaki habang naglalaro ng “tong-its” sa loob ng kaniyang bahay sa Pasay City bandang 11 p.m. nitong Martes.

Kinilala ng police ang napatay na si Joseph Mata, 42, miyembro ng Sigue Sigue Sputnik Gang, at residente ng 173 Area J, Chest Clinic Compound, Maricaban, Pasay.

Ayon kay SPO1 Giovanni Arcinue, case investigator, nagto-tong-its ang biktima nang biglang pumasok sa kanyang bahay ang dalawang suspek na naka-bonnet at barilin siya ng anim na beses sa ulo at dibdib.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo. Base sa records ng Pasay Police Station Anti-Illegal Drugs (SAID) Division, sumuko si Mata, isa umanong drug user, noong July 20 nang magsagawa ang pulisya ng Oplan Tokhang sa Maricaban. (Martin A. Sadongdong)

comments