Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Bala para sa Maute Group, nakumpiska

Bala para sa Maute Group, nakumpiska

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghihinalaang para sa Maute terror group ang ilang kahon ng mga balang nakumpiska ng pulisya sa isang bus terminal sa Agora Complex, Barangay Lapasan dito.

Mahigit 6,000 rounds ng 7.62 60mm light machine gun bullets at apat na piraso ng M203 grenade na tinatayang aabot ang halaga sa P372,000 ang nasabat ng pulisya na sinasabing dadalhin sana sa Butig, Lanao del Sur, sinasabing base operation ng Maute group.

“There are indicators that point to Butig (town) as possible destination,” ani police regional spokesperson Supt. Surki Sereñas.

Inaresto naman ng pulisya sina Amer Macarangal at Jabar Mangadag na parehong residente ng Marawi City.

Ayon sa dalawa, dadalhin nila ang mga nakumpiskang kahon sa Marawi city na iginigiit naman ng mga ito na mga misdeclared spare parts. (Camcer Imam)

comments