Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Joyce, kilig pa rin pag kasama si Kristoffer

Joyce, kilig pa rin pag kasama si Kristoffer

15joyce-ching-copy-copy

BALIK-GMA7 si Ariel Rivera after six years. Huling teleserye niya sa Kapuso Network ang “Kinasusuklaman Kita” with Jean Garcia and daughter Jennica. Comeback project ni Ariel sa GMA ang “Hahamakin ang Lahat” (HAL) with Kristoffer Martin, Joyce Ching, Thea Tolentino, Eula Valdez, among others.

“I love working with GMA. Close friends ko ang production staff. I missed them,” bungad ni Ariel nang nakausap namin kasama ang ilang entertainment writers sa set ng HAL sa Tivoli Royale subdivision, QC.

Ani Ariel, eight years siyang nagtrabaho sa GMA bago siya lumipat sa ABS-CBN. Wala siyang network contract at per show ang kontrata niya.

Pansin ng press, hindi na aloof si Ariel at magiliw na siyang makipagtsikahan. Dati kasi, umiiwas siya at deadma lang. Aniya, noon kasi’y may kabastusan at kalaswaan ang mga itinatanong sa kanya ng press (hindi lahat). Nagbanggit pa siya ng pangalan na kung anu-ano’ng kalaswaan daw ang itinanong sa kanya.

Choosy

Isinantabi muna ni Ariel Rivera ang singing career at focused siya ngayon sa pag-arte. Aniya, kakaunti na lang ngayon ang recording company at mas gusto ang mga bago at mas batang recording artists.

“I love challenging roles. Pag hindi ko gusto, hindi ko tinatanggap. It’s not pera-pera lang sa akin,” ani Ariel.

Can afford namang maging choosy si Ariel sa pagtanggap ng project dahil may iba pa siyang source of income. May construction business siya at tatlo silang business partners. Graduate ng Architecture si Ariel at sa Canada siya nagtapos ng pag-aaral in 1990.

Sa Toronto, Canada ngayon nag-aaral ang dalawang anak nila ni Gelli de Belen, sina Juaqui at Julio, both teenagers now. Sa bahay ng parents at mga kapatid ni Ariel nakatira ang mga ito.

Kinikilig pa rin

Three years nang break sina Kristoffer Martin at Joyce Ching, pero nananatili silang good friends. Anila, walang nabago at sobrang close pa rin sila sa isa’t isa.

’Yun nga ang napansin ng press na dumalaw sa taping nila para sa bago nilang project sa GMA, ang “Hahamakin ang Lahat.” Posible kaya ang second chance?

“Hindi ko alam. Tingnan natin,” sabi ni Kristoffer.

“Open ako for a reconciliation. Secure ako kung ano’ng meron sa relasyon namin. For now, enjoy lang muna kami,” sabi naman ni Joyce.

Aniya pa, maykilig pa rin sa puso niya kapag magkasama sila ni Kristoffer. Itinatago pa rin niya ang mga naibigay sa kanya ni Kristoffer noong together pa sila.

comments