Home » News » News Roundup » Suspected drug pusher itinumba

Suspected drug pusher itinumba

Isa na namang hinihinalang drug pusher ang itinumba ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Base sa police resport, nakatayo lamang si Leolyn Pelo, 25, sa Josefina Street sa Barangay 114, Caloocan, nang lapitan ng dalawang salarin at barilin siya ng maraming beses.

Namatay noon din ang biktima habang mabilis namang tumakas ang mga umatake sa kanya sakay ng isang motorsiklo. Sinabi ng witnesses na nakamaskara at nakasuot ng denim pants ang mga suspek.

Walong basyo ng bala mula sa .45-caliber pistol ang na-recover ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen. Sinabi ng mga residente ng lugar na kilala ang biktima na nagbebenta ng bawal na gamot. (Jel Santos)

comments