Home » Entertainment » Ai-Ai feels sad for Mark Anthony

Ai-Ai feels sad for Mark Anthony

ISA sa sobrang nalungkot sa pagkakahuli at pagkakakulong ng aktor na si Mark Anthony Fernandez ay ang Comedy Queen na si Ms. Ai-Ai delas Alas.

Huling nakatrabaho ng komedyante si Mark sa GMA-7 teleser-yeng “Let the Love Begin.”

Pero nakatrabaho na ni Ai-Ai si Mark sa una nitong pelikulang “Guwapings… First Adventure” noong 1992 kung saan ni-launch si Mark kasama ang mga baguhan din noong sina Jomari Yllana at Eric Frustuoso.

Naalala ni Ai-Ai noong bagets na bagets pa si Mark at excited sa set ng kanilang unang pelikula directed by Jose Javier Reyes.

Isa si Mark sa hinahangaan ni Ai-Ai dahil bukod sa isa ito sa mahuhusay na aktor ngayon, napakabait daw nito at marunong makisama sa kahit kanino.

Kasalukuyang nakakulong si Mark sa Pampanga Provincial Jail pagkatapos itong mailipat mula sa overcrowded na Angeles District Jail.

Kinasuhan si Mark ng possession of illegal substance noong may matagpuang isang kilo ng marijuana sa kanyang sasakyan.

Bukod sa drugs, may ilan pang kaso si Mark na haharapin sa Pampanga.

Sa isang Instagram post ni Ai-Ai, nag-flashback ang komedyante tungkol sa pakikipagtrabaho kay Mark.

Hindi nga raw naiwasan ni Ai-Ai na maikumpara ang kasalukuyang situwasyon ni Mark sa nangyari sa kanyang anak-anakang si Jiro Manio na nalulong din sa pinagbabawal na droga at tinutulungan niya ngayong maka-recover.

Heto ang post niya: “Nakakalungkot si Mark .. nakasama ko to sa LET THE LOVE BEGIN .. mabait to e .. kaso nga may feeling ako na may something to e… tawag nga namin dito INVISIBLE MAN .. kasi sya daw ’yun .. naalala ko si jiro tuloy yung dra na ininterview DRA ni JIRO YUN .. .. hay nakooo .. tama nga prayers nalang muna … buti si jiro tahimik na sa kinalalagyan nya .. .. malungkot.” (RUEL J. MENDOZA)

comments