Home » Sports » Don Juan Derby

Don Juan Derby

Hello again… medyo malumanay pa ang pakiramdam ko ngayong Linggo simula nang sumpungin ng “vertigo” ang katauhan ko, many racing days ago, di ko matandaan, pero biglang lumakas ako nang makita ang naglalakihang mga racing events na itatakbo this weekend at Metro Turf.

Kahapon, sa pasimula ng 15th Klub De Manila Derby, isinabak na ang Super Six carry over amount of R77,056.92 at ang Pentafecta carry over amount of P30,239.57.

Lahat ng races yesterday ay may added prizes to the winning owners plus Trophy sponsored by different personalities and horseracing entities.

Ang 10 races kahapon na kinapapalooban ng 2 sets ng Winner-Take-All at 1 set each ng Pick-6, Pick-5 at Pick-4 events.

Today will be the big day kung saan nakasalang ang 1st Leg 3YO Imported Fillies Race, Sampaguita Stakes, Klub Don Juan de Manila Derby, etcetera, etcetera.

At Santa Ana last Sunday, ang 1st set ng WTA covering Races 2 to 8 ay nagbigay nang malaking premyong R517,753.80 at ang 2nd set nito (Races 6 – 12), ay may premyo namang P21,979.

Nagsipanalo rito from Races 1 to 12, ayon sa pagkakasunod-sunod, ay ang Peter’s Pride, Topped It, Misty Blue, Jungle Jingle, Amiable Leighla, Valkan Lady, Yani’s Song, Cookie My Baby, Swing Vote, Smarta, Warrior Baby at Leonora’s Angel or combinations 3-2-5-3-2-1-3-5-1-6-4-7.

By the way, may karera po tayo bukas sa San Lazaro Leisure Park.

So there, see you guys at our usual Samson’s Billiard OTB at Saint Joseph and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta Good Luck!!! (JOHNNY DECENA)

comments