Home » Entertainment » KC, Garie, Cloie thank their moms for closeness they enjoy today

KC, Garie, Cloie thank their moms for closeness they enjoy today

16garie-kc-cloie-copy

NAGPAPASALAMAT ang magkakapatid na sina KC Concepcion, Garie Concepcion, at Cloie Syquia-Skarne sa kanilang mga ina dahil hindi ipinagkait ng mga ito na magkakilala sila kahit noong mga bata pa lang sila. Isa man ang kanilang ama na si Gabby Concepcion, iba-iba naman ang kanilang mga ina – si KC ay anak ni Gabby kay Sharon Cuneta, si Garie ay kay Grace Ibuna, at si Cloie ay kay Jenny Syquia.

Inihayag nina KC, Garie at Cloie ang kanilang pasasalamat sa kauna-unahan nilang sama-samang pag-guest sa isang talk show, na nangyari sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN.

Ayon kay Garie, “Sa aming mga mommy, thank you for raising us up very well. Raising us up na alam namin ’yung tungkol sa mga kapatid namin. And very supportive ang mga mommy namin.”

Mensahe naman ni KC para sa kanyang Megamom, “Mama, thank you na never mo siniraan ang mga kapatid ko sa akin. Dahil sa iyo this has been such a special time with my sisters. Ma, thank you for allowing me na maging close sa kanila.

Kasi alam naming marami rin kayong pinagdaanan, our moms went through so much. To our moms, my mom, thank you for everything you taught me that na-experience ko ’yung ganitong joy.”

Sabi naman ni Cloie, “I also wanna thank my mother for all those things. Thank you for believing in me and always being there for me and having my back. Of course, for always reminding me of my sisters when I was growing up because I wouldn’t have the relationship I have with them now if it weren’t for my mom who always remind me of them and telling me about them, telling me stories. So, thank you, Mom.”

Siyempre hindi rin nila nakalimutang pasalamatan ang kanilang ama na si Gabby na siyang pinakadahilan kung bakit sila naging magkakapatid at magkakadugo. Ani Garie, “Lastly, siyempre kung may mga mommies kami, we are sisters because of one person and that is Papa. Pa, hindi man kami lumaki with you, at least now we’re starting to build or we have a relationship with you. So, more years pa to get to know each other.”

Kamakailan nga ay nagkaroon ng get-together sina KC, Garie at Cloie kasama si Gabby. Thankful sila kay KC, na siyang nag-effort para magkaroon sila ng relasyon sa isa’t isa. Efforts din ni KC through constant communication sa kanyang mga kapatid kaya’t naging close silang tatlo.

Ayaw naman nilang patawag na half-sisters. Wala raw dapat half-half dahil buo ang pagmamahal nila bilang magkakapatid bukod pa sa pagiging best friends nila. Suportado raw nila ang bawat isa gaya na lang ng pagsuporta nila sa pagsabak ni Cloie sa Ms. Earth 2016 bilang representative ng Sweden, kung saan siya nakatira kasama ang mommy at stepdad niya.
(GLEN P. SIBONGA)

comments