Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lovi palaban

Lovi palaban

16boyet-copy-copy

PALABAN si Lovi Poe at walang kaarte-arte sa passionate love scenes nila ni Derek Ramsay sa “The Escort.” Sa ipinakitang movie trailer noong presscon, bigay-todo si Lovi. Nasilip pa ang tagiliran ng kanyang boobs.

Kung together pa sila ni Rocco Nacino, imposibleng hindi ito magselos sa sizzling hot scenes nina Lovi at Derek.

Tiniyak ni Derek na hindi magseselos ang non-showbiz girlfriend niya kay Lovi. Anang aktres, since high school ay magkaibigan na sila ng GF ni Derek.

Ani Lovi, gusto niyang makatrabahong muli si Derek. “Sobra siyang maalaga, marespeto at very gentleman.” Never raw niyang naramdamang binastos siya o nag-take advantage si Derek sa intimate scenes nila.

Kuwento ni Derek, sa isang event na pinuntahan nila ni Lovi ay marami ang nag-akalang “sila” na. “Marami ang nagsasabing bagay kami. Malakas daw ang screen chemistry namin. Na-excite ako noong nalaman kong si Lovi ang leading lady ko sa ‘The Escort.’ I prepared a lot in this movie,” ani Derek.

Mind-blowing

May love scene rin si Lovi Poe kay Christopher de Leon na, ayon sa actor ay “mind blowing’’ (laughs). We were very gentle with each other. Tapos, naging rough. She was a little bit nervous. I tried to be a gentleman,” he said.

Ano’ng feeling na naka-kissing scene niya ang anak ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr.? Nagkatrabaho sina FPJ at Christopher sa pelikulang “Aguila.” Ani Christopher, idol niya si FPJ at ninong pa niya. “I really look up to him as an actor and director. He knows everything. I really miss him.”

Aniya’y magaling na aktres si Lovi.

Uncomfortable ba siya sa love scene nila? “No,’’ tugon ni Christopher.

Joke naman ni Lovi, “Kahit zero ang love life ko, may kissing scenes pa rin (laughs). “I’m lucky to work with Derek and Christopher. Pareho silang maalaga.”

Showing ang “The Escort” on Nov. 2. Produced by Regal Entertainment and directed by Enzo Williams. Tampok din sina Jean Garcia, Dimples Romana, Rommel Padilla, Jackielou Blanco at Albie Casino.

Finale

Finale na this Sunday ng “Dream Date” episode ng “Usapang Real Love.” Sino kaya ang pipiliin ni Grace (Bianca Umali) sa mag-pinsang Diego (Miguel Tanfelix) at Yuan (Jak Roberto) na manligaw sa kanya?

Nagpatulong pa si Bianca sa netizens at nag-post siya sa kanyang Instagram account kung Team Diego ba o Team Yuan sila. Abangan ang nakakakilig na ending ng “Dream Date” sa GMA7 at 5 p.m.

comments