Home » News » News Roundup » Korean, 2 iba pa huli sa drug bust

Korean, 2 iba pa huli sa drug bust

Tatlo katao kasama na ang isang Korean ang naaresto ng police operatives sa isinagawang buy-bust operation sa Marikina City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Lorenzo Holanday, hepe ng Marikina Police, ang mga nadakip na sina Hee Wang, 37, isang Korean, ang kanyang asawang si Cheryl Cruz, at Raymundo Paulino.

Naaresto ang tatlo sa loob ng bahay ni Wang sa 4D Raja Matanda Street, Barangay Parang, Marikina City, kung saan naganap ang drug sting. Nakakulong ang mga suspek sa Marikina Police detention cell. (Madelynne Dominguez)

comments