Home » News » News Roundup » Lalaki nagbaril sa sarili

Lalaki nagbaril sa sarili

Dahil sa kabiguang makahanap ng trabaho sa loob ng tatlong taon, winakasan ng isang 49-taong gulang na lalaki ang kanyang buhay sa pamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng kanyang kuwarto kahapon sa San Andres Bukid, Manila.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pablo Calayan II. Nagtamo siya ng tama ng bala sa kanang sentido. Ayon sa ina ng biktima na si Rosalina, 70, pumasok ang kanyang anak sa loob ng kuwarto bandang 7 a.m..

Ilang minuto ang lumipas, nakarining siya ng putok ng baril mula sa silid. Nakita niyang nakabulagta na ang anak at duguan. Na-recover ng mga pulis sa tabi ng katawan ni Pablo ang isang .22-caliber revolver. (Betheena Kae Unite)

comments