Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lovi, todo-bigay kay Derek

Lovi, todo-bigay kay Derek

bruno-gabriel-copy-copy

THANKFUL si direk Enzo Williams na tinanggap ni Lovi Poe ang movie project na “The Escort.” Super daring ang role ng aktres at wala itong kaarte-arte, very cooperative kaya wala siyang naging problema during the shoot, ayon kay direk Enzo.

Ayon naman kay Lovi, importanteng may communication sila ng direktor. Bigay-todo talaga siya sa intimate scenes niya with Derek Ramsay at aniya, “Naging true lang ako sa ginagampanan kong character. Though, it’s kinda hard dahil many people are watching during the shoot.”

Pinatotohanan ni Derek ang sinabi ni direk Enzo na walang kaarte-arte si Lovi. Walang reklamo sa kahit ano’ng ipagawa ni direk. Siya (Derek) nalang ang nagsasabi kay direk Enzo na hindi na babagay kay Lovi ang eksenang gusto ni direk na magmumukha itong porno star.

Being a real gentleman at sa laki ng respeto ni Derek kay Lovi bilang aktres, aniya, talagang pinipigilan niya ang kanyang sarili na ma-get carried away sa sizzling hot scenes nila. “She’s very attractive, you know,” he said.

Sinabihan sila ni direk Enzo na pagbutihan nila at ibigay na nilang todo para take one lang ang kanilang sizzling hot scenes. Nagromansa sila sa swimming pool at iba’t ibang lugar upang mairaos ang pagnanasa nila sa isa’t isa. Showing on Nov. 2 ang “The Escort,” handog ng Regal Entertainment.

Artista na

Artista na rin ang anak ng dating aktres na si Lani Lobangco, si Bruno Gabriel. First project niya ang “Hahamakin ang Lahat,” topbilled by Kristoffer Martin and Joyce Ching.

He plays Santi, isang Amboy na rich guy na mayabang. Bruno is 20 years old, six footer at panganay sa tatlong magkakapatid. Football at tennis player siya at nag-dyo-join siya sa mga team competition.

Nag-aral siya sa Ateneo University at California, Los Angeles, USA. Lumabas din si Bruno sa ilang TV commercials at nag-acting workshops sa PETA. Nakalabas na siya sa ilang stage plays nito.

He’s single at attracted siya kina Sarah Lahbati, Rhian Ramos at Stephanie Sol. “My dream is to be part of Philippine showbiz history,” ani Bruno.

Makikilala na

Makikita na mamaya sa “Encantadia” ang mukha ni Lila Sari, ang karakter na nakamaskara. Siya si Sinukuan, isang diwatang gustong agawin ang trono ni Cassiopea (Solenn Heussaff).

Magiging kakampi si Sinukuan ni Adhara (Sunshine Dizon). Tutok lang mamaya sa “Encantadia” sa GMA7 pagkatapos ng “24 Oras” at alamin kung sino ang gumaganap bilang Lila Sari.

comments