Home » Sports » Perlas palalakasin ng Fil-Ams

Perlas palalakasin ng Fil-Ams

Dadagdagan ng tatlong naturalized player at ilang Fil-American ang Philippine national women’s basketball team na sariwa pa sa pagwawagi sa gintong medalya sa Malaysia SEABA Women’s Championships upang palakasin at mas patatagin ang lineup para sa inaasam nitong pagsabak sa mga internasyonal nat torneo.

Sinabi ni Perlas Pilipinas head coach Patrick Aquino na hangad nilang mapabilang sa koponan ang ilang Fil-Ams na susuportahan ng matatangkad na naturalized players upang mapaganda ang tsansa nito na manatili sa Group A ng sasalihang FIBA Asia at masungkit din ang pinakaaasam nitong gintong medalya sa 2017 Southeast Asian Games.

“We’re actually looking for center,” sabi ni Aquino. “Ang China ay may apat na 6-7 and then mayroon sila na 6-4 na mga pointguard.

“There’s a Fil-foreigner whose age is only 16 by the name Cherry Gupilan. She is a pure-blooded Filipino but is an American citizen, we are still trying to know kung ano magagawan natin, and then this Ella Rodriguez who had here for almost a year of study in Enderun. Sana lang makumbinsi natin sila,” sabi ni Aquino

Isa pang tinututukan ni Aquino na makuha ay ang mula UCLA na si Kelli Hayes, isang Filipino-American na hindi mairepresenta ang bansa dahil sa ineligibility.

“We were told by FIBA to write them and formally request for official accreditation of the players. Ipinaliwanag nila sa anim na hindi iyan katulad ng kaso ni Jordan Clarkson na bagaman gustong maglaro sa bansa ninyo ay bigla na lang na isasama sa lineup. Kailangan din may basbas nila,” sabi pa ni Aquino. (Angie Oredo)

comments