Home » News » News Roundup » Street sweeper patay sa riding-in-tandem

Street sweeper patay sa riding-in-tandem

Patay ang isang street sweeper nang pagbabarilin ng isa sa dalawang nakamotorsiklong lalaki sa San Juan City nitong Linggo ng gabi.

Agad na binawian ng buhay si Mario Macabanat, 21, residente ng Barangay San Perfecto, San Juan City, dahil sa apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Katatapos lamang maglaro ng basketball ni Macabanat at magpapahinga na sana bandang 10 p.m. nang lapitan siya ng isang lalaking kababa lamang sa isang motorsiklong sa kanto ng San Gabriel at Venecio Streets.

Walang sabi-sabing binaril ng ilang beses ng armadong lalaki si Macabanat at pagkatapos ay mabilis na tumakas sakay ng motorsiklong minamaneho ng isa pang lalaki, ayon kay Senior Supt. Joselito Pajarilaga, hepe ng San Juan Police.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpatay. Nalaman mula sa mga residente na kilalang drug addict ang biktima sa kanilang barangay. (Madelynne Dominguez)

comments