Home » Entertainment » ‘That’s My Bae,’ from dancing to acting

‘That’s My Bae,’ from dancing to acting

Hindi lang ang husay nila sa pagsasayaw ang ipapakita ng mga naggaguwapuhang hunks ng “That’s My Bae” ng “Eat Bulaga” sa pagbida nila sa kanilang sariling show sa GMA-7 na produced ng TAPE Inc.

Masayang-masaya ang “That’s My Bae” hunks na pinangungunahan ng winner na si Kenneth Earl Medrano at ng kanyang kasama na sina Kim Michael Last, Jon Timmons, Tommy Peñaflor, Miggy Tolentino at Joel Palencia dahil mapapanood na sila sa bagong serye na may titulong “Trops” bago ang “Eat Bulaga” simula sa October 24.

Ito ang papalit sa malapit nang magwakas na “Calle Siete.”

Handa na raw pasukin ng “That’s My Bae” hunks ang bagong yugto ng kanilang career. Mula sa pagiging dancers na tinitilian ng kanilang fans sa “Eat Bulaga” mula Lunes hanggang Sabado, ngayon ay iba’t ibang hidden talents pa nila ang kanilang ipapakita at ipagmamalaki. (RUEL J. MENDOZA)

comments